Advertisers

Advertisers

OFW timbog sa P425K shabu sa Malabon

0 236

Advertisers

ARESTADO ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) nang masabat sa kanya ang P425,000 halaga ng shabu sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Malabon City nitong Miyerkules.

Kinilala ni Region 3 Police Director, BGEN. Valeriano T. De Leon, ang naarestong suspek na si Noemie Esquerra alyas “Noime”, 31,dalaga at residente ng Brgy.Longos, Malabon City.

Sa report na nakarating kay De Leon, kinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit, San Miguel Police at Malabon Police gabi ng Miyerkules sa Malabon City.



Nakuha sa suspek ang 12 heat sealed transparent sachets ng shabu sa itim na coin purse na tumimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng P425,000,P1,000 at P1,000 marked money.

Nag-ugat ang pag-aresto sa OFW matapos unang mahuli madaling- araw ng Miyerkules ang dalawang drug personalities na sina Marlon Matias at Maricar Marcelino ng San Miguel Police na siya ang inginusong source nila ng shabu sa lugar.