Advertisers

Advertisers

Ilang daan sa Tondo sarado sa Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo

0 241

Advertisers

NAGLABAS ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit sa mga motorista na umiwas sa mga lugar sa Tondo, Maynila sa kapistahan ng Sto. Niño de Tondo sa Enero 17 .
Sa inilabas na traffic advisory, mula 3:00 ng madaling araw ng Enero 17, pinapayuhan ang mga motorista mula sa Morionest St., na dadaan ng J. Nolasco St. na dumiretso sa Juan Luna St., o Dagupan St.

Ang mga sasakyan naman na mula Pritil papuntang N. Zamora St. ay kailangang kumaliwa sa Moriones St. hanggang Juan Luna St..

Habang ang mga sasakyan na dadaan ng Asuncion St. ay dapat kumaliwa sa Tuazon St.,



Samantala, sarado naman ang J. Nolasco St. mula Moriones hanggang Zamora, gayundin ang kahabaan ng Morga St., mula Asuncion St. hanggang Juan Luna.

Sarado rin ang kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones hanggang Morga. (Jocelyn Domenden)