Advertisers

Advertisers

DOH: Covid-19 UK variant nakapasok na sa Pinas

0 247

Advertisers

TULUYAN nang nakapasok sa bansa ang UK variant ng COVID-19 matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) na nagpositibo sa B.1.1.7 SARS-CoV UK variant ang mga samples na kinuha sa isang Pinoy na galing ng Dubai at dumating sa bansa noong Enero 7.
Hawak na ng Department of Health (DOH) ang flight manifest na makakatulong sa contact tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ng Pinoy reat estate agent.
Ayon kay Usec. Ma. Rosario Vergeire, sinimulan na ang contact tracing sa mga close contacts ng 29-anyos na Pinoy na nanggaling sa Dubai.
Sa ngayon may pneumonia ang nasabing Pinoy at nasa isolation facility sa Quezon City.
Nabatid na nasa 259 pasahero ang sakay ng eroplano galing Dubai, at nasa 58% na sa mga ito ang nakontak na ng DOH at sumailalim na rin sa quarantine.
Ang Pinay girlfriend ng real estate agent na kasamang bumiyahe sa Dubai ay nagnegatibo naman sa swab test subalit muli siya isasalang sa covid test.
Hindi naman masabi ng DOH kung saan nakuha ng pasyente ang corona virus dahil pinag-aaralan pa ang mga naging aktibidades niya sa Dubai.
Disyembre 27 nang umalis sa bansa ang naturang Pinoy at bumalik nitong Enero 7 at dumiretso sa isang hotel bilang protocol. (Jonah Mallari/Andi Garcia)