Advertisers

Advertisers

Derek binansagang ‘Pambansang Tikim’, si Ellen ang bagong target

0 282

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA televised press briefing mula sa Malacañang nitong Lunes, January 11,sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi raw maaaring pumili ng libreng COVID-19 vaccine brand na ituturok sa mga tao.

Pero kontra si Vice Ganda sa sinabing ito ni Roque. Kaya naman nag-tweet siya ng ganito, (published as is): “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e, sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!”



Ang opinyong ito ni Vice ay pareho rin ng sentimyento ng ilang senador tulad ni  Senator Panfilo Lacson: Sabi niya, “It’s not fair to say that Filipinos cannot choose their vaccines. Pati ba naman ang pagpili kung ano ituturok sa braso ng Pilipino, hindi pa rin puwede mamili ang Pilipino?”

***

BINA-bash ngayon si Derek Ramsey  matapos lumabas ang mga larawan kasama si Ellen Adarna.

Ito’y matapos mag-post ni Ruffa Gutierrez ng mga larawan at video ng isang dinner party na ginanap sa bahay ng actor na kasama rin si John Estrada.

Sa isang larawan, makikita ang titigan nina Derek at Ellen na nilagyan ni Ruffa ng caption na ‘walang malisya.’May ilang netizen naman ang nagkomento na sinabing may panibagong aabangan.



Ngunit mas marami pa rin ang nang-bash sa actor at binansagan pa itong ‘pambansang tikim’ dahil matapos umano kay Andrea Torres, lumipat naman ito kay Ellen.

Matatandaang bago ma-issue kay Ellen, naispatan din ito kasama ang fitness model na si Aya Tubillo matapos ang breakup kay Andrea. Well, ganun na nga ba ang tingin ng ibang tao kay Derek, na tinitikman lang ang mga nakakarelasyon at hindi sineseryoso?