Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,912 na karagdagang kaso ng covid-19 nitong Huwebes, Enero 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 746 na gumaling at 40 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (25,614) ang aktibong kaso, 92.9% (459,252) na ang gumaling, at 1.97% (9,739) ang namatay.
Muling nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng sakit ngayong araw ang Davao City na mayroong 136.
Sinundan ito ng Quezon City na may 107 at ang syudad kung saan naitala naman ang bagong kaso ng UK variant.
Mayroon namang 61 ang Agusan del Sur; 57 sa Dagupan City at 54 sa Cavite City.
Paalala ng DOH, mayroon mang mga bagong variants ng Covid-19, maiiwasan pa rin ang pagkalat nnito sa striktong pagsunod sa minimum public health standards. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)