Advertisers
TULUYAN ng nagpaalam si Ces Molina sa Petron matapos ang pitong taon at sumang-ayon na lumagda sa Petro Gazz, kasama ang teammate Remy Palma, sa Premier Volleyball League.
Inanunsyo ng Angels ang kanilang huling dalawang acquisitions sa kanilang social media pages kahapon, kinuha sina Molina at Palma sa Blaze Spikers sa Philippine Superliga.
Molina, ang pinakamatagal na player ng Petron, ay magso-suot ng bagong club jersey sa unang pagkakataon buhat noong 2014. Bahagi siya ng franchise six championship — pinakamaraming titulo sa PSL history.
Bagong environment para sa ex-Petron captain, kilala na wing spikers sa bansa.
Si Molina na naglaro ng dalawang edition sa Southeast Asian Games, ay muling makakasama ang dating teammates na sina Gretchel Soltones at libero Kath Arado.
Pinatatag din ng Petro Gazz ang kanilang frontline matapos kunin ang middle blocker Palma at kapwa bagitong sina Ria Minesses at Seth Rodriguez.
Nabuo ang roster ng Petro Gazz sa pagkuha kina Molina, Arado, Palma, Menesses at Rodriguez, matapos mawala ang limang key players kabilang si Jonah Sabete, Jovielyn Prado at Cai Balaoala.
amantala, pinapirma rin ng Angels ang assistant coach Yani Fernandez ng University of Santo Tomas para gabayan si coach Arnold Laniog sa pag plano ng chemistry ng kanilang revamped roster para sa Open Conference, na nakatakda sa April 10 sa ilalim ng bubble format sa Inspire Sports Academy, sa Calamba,Laguna.