Advertisers

Advertisers

Buti na lang daw at maganda… Julia Barretto na-bash sa kababaan ng ‘IQ’

0 326

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ng sexy actor na si Marco Gumabao, naging panauhin niya ang Viva artist na si Julia Barretto.

Sumalang sa mukbang challenge ang aktres na pinatikim ang iba’t ibang klase ng flavored chicken.



Ani Julia, weakness daw talaga niya ang chicken wings.

Natanong naman si Julia tungkol sa boy-girl relationship.

Sey ni Julia, aminado siya na may pagkatanga siya pagdating sa mga lalaki.

Hirit pa niya, kapag type raw niya ang lalaki, willing daw siyang magparamdam dito o gumawa ng first move.

Hindi rin daw big deal sa kanya ang manligaw sa lalaki.



Sa kanyang mga naging karelasyon, wala naman siyang sinabi kung siya ang unang gumawa ng move para magpapansin sa mga ito.

Sa naturang vlog din, umani rin ng batikos sa ilang netizens ang umano’y kabobohan ng aktres pagdating sa Math.

Sey nila, tila mababa raw ang IQ nito at pabiba lang.

May humirit pa na pagdating din daw sa EQ ay bagsak din ito kaya failed ang relationships nito sa mga lalaki.

Nasabi kasi ni Marco na gusto niyang imbitahan ang kanilang tig-dalawang avid fans ni Julia para makainuman sa next episode kung sakali.

Sey naman ni Julia, cool ang idea ni Marco at siguradong mag-e-enjoy silang apat.

Kinorek naman ni Marco ang addition ni Julia at sinabing anim ang tamang bilang.,

Bumawi naman si Julia at nagwikang mabuti na lang daw at maganda siya.