Advertisers

Advertisers

BOC-NAIA naglabas ng babala sa mga chatmates at online friends

0 274

Advertisers

NAGPALABAS ang Bureau of Customs- Port of NAIA, na pinamumunuan ng ‘lady sharpshooter’ na si Mimel Talusan, ng isang advisory ukol sa “parcel scam” na tinatawag na “love scam.”

Ito ay isang modus operandi ng mga sindikato sa pamamagitan ng pagte-text, tawag at maging page-email sa mga consignee ng cargoes at parcels.

Kapalit nito ay humihingi ang sindikato ng malalaking halaga ng pera bilang Clearance Fees” para mailabas nila ang shipments mula sa BOC-NAIA. Madalas ay ginagamit pa ng mga sindikato ang mga pangalan ng ilang BOC-NAIA officials.



Ayon kay BOC-NAIA District Collector Mimel, marami na umanong natatanggap na tawag at mga bilang ng nagtatanong ang BOC-NAIA sa pamamagitan ng Facebook page messenger nito, gayundin sa assistance hotlines.

Kahit pa panahon ng pandemya ay marami ang nagtatanong ukol sa mga packages na anila ay nakabinbin sa Customs at padala diumano sa kanila ng kanilang mga “chatmates” o online friend” na kalaunan ay gagamit ng kasapakat para magpanggap na taga-Customs at mahingan ang biktima ng kabayaran upang makuha nila ang padala sa kanila ng ka-chat.

Una, paliwanag ni Collector Mimel, ang BOC-NAIA kahit kailan ay hindi naninigil ng nasabing “clearance fees”.

Hindi rin nagde-demand ng bayad ang BOC-NAIA para sa kabayaran ng Customs Duties and Taxes sa pamamagitan ng telepono. Hindi rin tumatanggap ng bayad ang BOC-NAIA sa pamamagitan ng money remittance centers o personal bank accounts.

Ang tanging paraan na tumatanggap ng kabayaran ang BOC-NAIA para sa mga Customs Duties and Taxes ay sa pamamagitan ng “Authorized Agent Banks (AAB)” o di kaya ay sa BOC-Cashiers at palagian ay nagi-isyu sila ng kaukulang Official Receipt para sa bawat kabayarang tinatanggap.



Nananawagan si Coll. Mimel sa publiko na kung sakaling may alam silang modus na ginagamit ang BOC-NAIA o kung sila ay biktima ng mga sindikato, maari silang tumawag sa BOC-NAIA ASSISTANCE HOTLINES.

Para sa Globe/TM subscribers (0956)-924-2626 at (0956)-924-2627; para sa Smart subscribers (0961)-759-4067,(0961)-759-4068 at (0919)-925-6785; at para naman sa Sun Cellular,(0932)-844-3390).

Maari din umanong magpadala ng katanungan, reklamo o anumang uri ng concern na nauukol sa BOC-NAIA operations sa Email Address na bocnaiafeedback@gmail.com .

Mag-ingat sa mga chatmates at huwag pabiktima.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.