Advertisers
ANO bang meron dito sa Chinese made Covid-19 vaccine, Sinovac, at ito ang iginigiit ng gobyernong Duterte na iturok sa mga Pinoy, sa kabila na mababa ang efficacy rate at mas mahal ito kumpara sa ibang available vaccines na gawang US, UK, Russia at Germany?
Ayon sa listahan ng covid vaccines na available ngayon, ang pinakamahal ay ang Moderna na gawang Estados Unidos na nagkakahalaga ng P3,904 – P4,504, sumunod ang Sinovac ng China na P3,629.50, Pfizer na gawang US/Germany (P2,379), Gamaleya ng Russia (P1,220), Covax ng UK (P854), AstraZeneca ng UK (P610), at Novavax ng UK (P366).
Pero ang iginigiit parin dito ni Pangulong Rody Duterte at kanyang mga Gabinete ay ang Sinovac. Bakit? Dahil ba sa KICKBACK? Puede!!!
Giit ni Pangulong Duterte, na nag-aabogado na sa Sinovac, mahusay ang pipiliin nila vaccine czar Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque. Ito nga ay ang Sinovac.
“Sigurado ‘yang kung ano ang sinabi ng mga dalawa dito, si Sec. Dique pati Sec. Galvez, parang is as good as my word too, Ako ang naggarantiya sa inyo na mas mahusay itong pinili nila, maniwala kayo. Maniwala kayo,” ani Duterte sa kanyang lingguhang public address Miyerkoles ng gabi.
Rason naman ni Galvez, isang retired military General: “Kaya po namin napili ang Sinovac dahil po medyo mura po ito. Pangalawa, gagamitin po ito sa Singapore, Turkey, at saka sa Indonesia.”
Again, basahin sa itaas kung magkano ang halaga ng Sinovac kumpara sa ibang vaccines na mas mura at mas mataas ang efficacy rates.
Ang efficacy rate ng Sinovac, ayon sa mga ulat, ay nasa 50+ percent lang, kumpara sa ibang vaccines na 90% hanggang 95%+ ang efficacy rates.
Pero mukhang ‘di Sinovac ang ibabakuna kay Pangulong Duterte. Sabi ni Sec, Galvez: “Sinasabi nga natin itong Covid-19 vaccines, pare-pareho po ang epekto nito at saka mayroon po tayong tinatawag na, mayroong mga benefits ito sa mga tinatawag nating elderly at saka iyong mayroong tinatawag na complications na sakit. So kung ano po ang i-recommend ng doktor ni Presidente na maganda po sa kanya being a senior citizen, iyon po ang gagawin.”
Palusot naman ng madakdak na tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. Harry Roque, sa huli na sila ni Pangulong Duterte magpapabukuna. Mauuna raw ang mga mahihirap, saka na sila sa gobyerno. Aray ko!
Sa Indonesia naunang nagbakuna sa harap ng media si President Widodo. Sinovac ang itinurok sa kanya.
Dahil natutulig narin ang gobyernong Duterte sa pag-iingay ng netizens na kontra sa Chinese made vaccines, sinabi ni Sec. Galvez na umorder narin sila ng Pfizer (40 million doses), Novavax (30m – 40m doses), Covax (40m doses), AstraZeneca (25, – 30m doses), Gamaleya (25m doses), at Sinovac (25m doses).
Pinangangambahan natin dito baka masayang lang itong inorder na Sinovac. Baka walang magpaturok nito unless kung maunang magpabakuna nito sina Pangulong Duterte, Sec. Roque, Sec. Duque, Sec. Galvez, Sec. Karlo Nograles, Sec Delfin Lorenzana at iba pang miyembro ng Gabinete.
Pero sabi nga ni Spox Roque, sa huli na sila ni Pangulong Duterte magpaturok, mauuna raw ang mahihirap. Ngek!
Kayo, mga pare’t mare, nakahanda ba kayong magparurok ng covid vaccine from China?
Subaybayan!