Advertisers
Ni BKC
NGAYONG Linggo, January 17, muling balikan ang sold-out at first ever virtual reality concert sa Pilipinas ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa “Alden’s Reality: The TV Special.”
Matatandaang naging trending topic pa ang “Alden’s Reality” noong mismong concert date nito last December 8. Ngayong Linggo, may chance na ang mga nakapanuod sa concert na kiligin at ma-experience ulit ito. Pero ang mas maganda rito, kahit ang mga hindi nakabili ng ticket dati ay makakapanuod na rin dahil ipalalabas nga sa GMA-7 ang nasabing concert. Pati mga Kapuso abroad ay may chance ring makapanuod dahil eere ang “Alden’s Reality: The TV Special” sa GMA Pinoy TV.
Ang “Alden’s Reality” ay produced ng GMA Synergy. Si Paolo Valenciano ang creative director nito habang si Miggy Tanchanco naman ang TV director.
‘Wag palampasin ang trending concert ni Alden ngayong Linggo sa ‘Alden’s Reality: The TV Special,’ 7:40 P.M., pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko, sa GMA-7.
Sa mga Kapuso abroad naman, tutok lang sa GMA Pinoy TV para mapanuod ang Alden’s Reality: The TV Special.
***
Maricris Garcia isinilang na ang baby girl
LAST January 12, masayang ini-announce ng Kapuso singer na si Maricris Garcia na ipinanganak na niya ang kanilang baby girl ng asawang si TJ Cruz na si Adaiah Denise Garcia Cruz.
Sa Instagram ay ibinahagi niya ang unang litrato ng anak, “01-12-21 at exactly 8:14 a.m. our daughter, Adaiah Denise Garcia Cruz, was born. No words could ever describe that overwhelming feeling the first time you hear your child cry. I still can’t believe I carried you inside me for 9 months! How can another human grow inside my body?!? How?!? Life truly is a miracle and a gift from God. With Him, nothing is impossible.”
Napuno naman ng congratulatory messages ang comments section ni Maricris mula sa mga fans at kapwa Kapuso celebrities tulad nina Barbie Forteza, fellow mommies Sheena Halili, LJ Reyes, at Chariz Solomon.