Advertisers
MAKAKASAMA ni Margielyn Didal ang walo pang Filipino skateboarders na nominado para sa inaaugural 2020 Asia Skateboarding Awards (ASA).
Sa nakaraang nomination ay kabilang ang 16 year-old Kyle “ Smokey “ Siarot para sa Rookie of the Year, Jeff Gonzales for Styles for Miles,Motic Panugalinog at Jerwin ”Spanky” Santos for Creative Sole, Christopher “Ping” Hurich at Daryl Dominguez for Fast Feet, at 1029 Southeast Asian Games gold medalist Daniel Ledermann at Renzo Mark “Mak” Feleciano para sa Asia Trick of he Year.
Smokey, na lumaki sa Cebu, ay isa sa rising stars sa skateboarding scene na napili ng ASA,habang si Gonzales na ipinanganak sa Houston, ay nasungkit ang overall styles.
Hindi napigilan ng COVID-19 pandemic at quarantine si Panugalinog, isa ring Cebuano sa kanyang pimped up gears, habang si Spanky ay nasungkit ang Creative Sole nomination.
Ping ng Iloilo ay pinasikat ang swift switching from flips to grinds sa Philippine Skatepark, habang si Dominguez, na lumaki sa United Kingdom, ay pinakita ang flashy tricks sa kalye ng London.
Fil-German Ledermann, na ang pamilya ay nagmula sa Barili,Cebu ay lumipad sa ire isa sa best 360 flips sa kasaysayan ng skateboarding.
Filipino skateboarding icon Didal ang unang nominado para sa Asia Skater of the Year.
Kapag natapos na ang selection process na pinamumunuan ni skater Kenny Reed, ASA technical director at coach ng Myanmar skateboarding team, finals winner ay pipiliin ng panel of jury na binubuo ng global skateboarding icons.