Advertisers
Magandang hapon. Sa Tomas Mapua st. corner Tetuan ay may nag-barbeque dyan. Dapat alisin dyan Yorme kasi tabing ilog. Ang virus dyan makalat kaya mataas covid dito. Ang chairman dyan si Jeric Tee, Brgy. 298 sa Spileta st, Sta. Cruz, Mla. Kasi kagawad nag-barbeque dyan. Kailangan maalis yan kasi tabing ilog yan. Ang hangin nagdala ng virus. Kaya kailangan maalis yan sa lalong panahon para ‘di kumalat ang virus. – Concerned citizen
Hinaing ng Senior citizen ng Brgy 297, Manila
Magandang hapon po. Ako’y senior citizen. Yung senior card ko kinuha ni Kagawad Gaspar, mag one year nang wala akong pension, pati yung pamasko ni Yorme di ako nabigyan. Dito po ito sa Brgy. 297 zone 29, Sta Cruz, Mla. Wala rin akong SAP, kahit pangbili sana ng gamot ko sa tuhod. Sana makarating kay Yorme ito. Salamat po. – Senior citizen ng Brgy 297, Manila
(Editor: Pumunta kayo sa OSCA sa Manila City Hall. Check nyo ang status nyo roon. Baka may problema sa requirements mo)
Mga tulak sa Brgy. 81, 82, Tondo, Manila
Maganda umaga po. Report ko po itong mga drug pusher dito po sa Baltazar, Brgy. 81 at 82 po. Sobra na talamak po ang bentahan ng shabu dito. Maraming bata po ang nahuhumaling sa iligal na droga rito. Khit ano oras sila nagbebenta. Sana mahuli na itong mga pusher na ito. Kilala po sila ng Chairman ng Brgy. 81 at 82 pero ‘di nila mahuli, bakit po kaya? Kailangan lumapit na kami kay Pangulo Duterte para padala na po DDS at patahimikin itong mga pusher na sina Rainer Payat , Tuko, Boyet Bulag at isang Dolor. Mga perwisyo sila sa aming barangay. Kilala sila ng aming barangay subalit walang aksyon pati po ang PCP Pritil Station 1 wala rin po aksyon sa mga iligal na droga dito. Sana po makarating kay Yorme ito at nang mapatahimil na ang mga tulak na ito. – Concerned citizen