Advertisers
UMAPELA ang mga operator ng peryahan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Region 1, 2 at 3, sa sumulat na balitang ito.
Ayon sa kanila kung maari iparating ko ang kanilang hinaing sa palasyo ng Malakanyang at sa Inter Agency Task Force o IATF maging sa mga Local Government Units o LGU na silay gutom na at kung maari payagan na umano silang makapaghanap buhay alang-alang narin sa kanilang mga pamilya at mga tauhan na umaasa para malabanan umano nila ang virus dulot ng COVID-19 pandemic.
Anila hirap na sila at hindi na nila alam kung saan nila kukunin ang kanilang pang araw-araw na pagkain pa-sweldo sa mga tauhan at sa kanilang mga anak na nag-aaral. Maging ang pambayad nila sa tubig kuryente at upa sa lupa kung saan nakatambay ang kanilang mga gamit gaya ng ferris wheel, roller coaster, caterpillar, octopus, bump car ride, bingohan, Viking, horror ride at iba pang mga amusement game ay hindi na raw nila alam kung saan nila kukuni. Sinasabing mabubulok na rin umano ang mga nabanggit na amusement games dahil sa matagal ng nakatambay dahil hindi na nagagamit mula nong mag-lockdown.
Lahat umano ng kanilang mga naipundar, tulad ng mga alahas at sasakyan ay kanila ng naibenta na. Bukod dyan wala din umano silang natatanggap na ayuda at kung meron man ay pili lang.
Diin pa nila “tao din kami na gustong mabuhay sa mundo pero kung pagkaitan kaming maghanap buhay baka sa gutom na kami mamamatay at hindi sa COVID-19 mahal na Pangulong Rodrigo Duterte”.
“Alam namin na kaligtasan at buhay namin ang mga inaalala ng pamahalaan para mapigil ang pagkalat ng virus. Pero paano namin malaban ang COVID-19 kung gutom kami. Tatalima naman kami sa health protocols na ipinatutupad ng gobyerno para sa kaligtasan ng lahat na mag face mask, face shield at social distancing”. – saad pa nila
Samantala, umapela rin ang operator ng mga KTV bar sa kalakhang maynila sa LGU at sa IATF na payagan silang magbukas at maghanapbuhay dahil tulad ng pagsusuma ng mga Peryante sila din ay may mga pamilya at mga tauhan na binubuhay. Apela ng mga KTV bar at Entertainment Bar ay ang pagpapatupad ng Gobyerno sa “moratorium on Rental Fees for renters and tenants” o pagpapaliban muna sana sa upa ng mga building dahil bukod sa hindi pa sila nakakapag bukas ay binabalaan umano sila na paaalisin kapag hindi nakapag bayad ng upa. Ilan nga raw sa kanila ay tuluyan ng nagsara dahil sa walang pambayad sa renta.
Kasama rin sa apela ng mga Bar owners/operators kay Pangulong Duterte at sa mga LGU ang “One month reprieve on bills payments from Basic Utility Providers”.
“Gawan sana ng paraan ng gobyerno na mapagaan ang gastusin ng mga mahihirap habang nasa krisis ang buong mundo,” anila pa
Saganang akin, ayon dito sa utos ng Republic Act (RA) No.11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act, sinasabi ng batas na ito na tulungan ang mga mamamayan na nawalan ng trabaho at pangkabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic. At kung nagawa ng LGUs at IATF na payagang mag-operate ang mga SPA o massage parlor, Lotto, Restaurant, Barbershop, Salon, Mall, Hotel at iba pa maging ang pamamasada ng mga taxi, jeep at bus bakit hindi nila bigyan ng pagkakataon ang mga PERYAHAN at KTV BAR dahil ayon nga sa kanila sila ay tatalima din health protocol na umiiral.
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador@yahoo.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!