Advertisers

Advertisers

Ara Mina engaged na kay PITC USec Dave Almarinez

0 278

Advertisers

Ni Juliet Pacot

IKAKASAL na rin sa wakas ang aktres na si Ara Mina matapos ang emosyunal na paghingi ng kamay nito para pakasalan ng boyfriend na si Undersecretary Dave Almarinez.

Ang dalawa ay engaged na base sa Instagram post kamakalawa ng isang kilalang print photo  na nagbahagi ng ilang litrato sa proposal at singsing na isinuot ng opisyal ng Philippine International Trading Corporation (PITC)  sa negosyante/aktres.



Makikita sa background ng lugar ang mga salitang “WILL YOU MARRY ME?”

Si Ara ay naugnay noon sa iba-ibang aktor at pulitiko na nauuwi sa hiwalayan.

Sa unang post nakasulat ang: “And it’s official! (ring) is now engaged, gayundin ang mga memorable moment ng dalawa.

Makikita rito ang pagluhod ni Dave sa harap ng Ang Probinsyano actress na naiyak sabay suot ng singsing.

Mahigpit na nagyakap ang dalawa sa isa pang larawan matapos umoo ni Ara sa marriage proposal ni Dave. Umani rin ito ng mga pagbati mula sa mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz



***

PINALAGAN ng komedyanteng si Vice Ganda ang libreng bakuna kontra Covid-19 na anumang oras mula ngayon ay ipamumudmod ng Malakanyang sa mga benepisyaryo nito.

Sa naging reaksyon ni Vice, malinaw na tutol ito sa plano ng Palasyo na basta na lang iturok ang vaccine kahit ‘di pa alam talaga kung ano ang epekto sa katawan ng tao.

“Ano to, basta may maisaksak lang?” pagtataray pa ni Vice.

Sinabi kamakailan ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pwedeng maging “choosy” sa pagpili ng Covid-19 vaccine brand.

Ang mga nasa priority list ng gobyerno ay ang mga medical frontliner, kasunod ang mga senior citizen, mahihirap na pamilya at mga pulis at sundalo kasama na ang mga maysakit na pasyente.

Halatang nainis din si Vice sa paggiit ni Roque na sakaling ayaw magpaturok ng benepisyaryo kailangan nitong lumagda sa isang waiver na tinanggihan ang libreng bakuna ng pamahalaan.