Advertisers

Advertisers

Si Pangulong Digong ang bagong ‘Hitler’

0 371

Advertisers

Ang sobrang pag-idolo sa pinuno ang sanhi ng pagkapanatiko, tulad ng nangyayari sa PSG at PNP na mga utusan ni DU30. Nang utusan sila ng bossing na turukan ng vaccine ‘di nila kilala ay walang pasubaling sinunod ng PSG kahit pa nakaw pa raw protektahan ang panginoon nila. Tama, ngunit lumabag sila sa batas na may proseso para doon. Wala rin silang pakialam sa tawag ng Kongresong mag-imbestiga, at binantaan pa nga ni Digong na magkakaroon ng gulo. Lumitaw na ang tunay na kulay ni Digong – ang bagong Hitler ngayon. – Juan Matyag

Delikado ang babala ng AFP kina Liza Soberano at Catriona Gray
Sabihin man ng AFP na pinaaalalahanan lang nito ang mga aktres na tulad nina Liza Soberano at 2018 Ms. Universe Catriona Grey na mag-ingat sa pagpuna, pagtatatanggol sa karapatan ng kababaihan na kaisa sa mga isinusulong ng Gabriela party list, ay delikado sa paniwala ng mga may tulad na paninindigan. Sa interpretasyon ng administrasyon na may hawak-hawak ng timon ng gobyerno ay komunista ang makisimpatya sa mga may pagkiling sa kaliwa na totoo namang tulad ng damdamin ng aping Pinoy lalo na ang masa. Taliwas ito sa layunin ng pinunong sumusunod sa matrix ng yumaong diktador Marcos. – Thinking Citizen

Perwisyong illegal parking sa Avenida Sta. Cruz, Manila
TEXT BRIGADE: YORME SANA MAPASYALAN NYO ANG GONZALO ST. CORNER AVENIDA STA. CRUZ KAYA NAGKAKA-TRAFFIC DAHIL SA MGA PASAWAY NA ILLEGAL PARKING. ANG LAKI-LAKI NG KARATULANG ‘NO PARKING’ SA TAPAT MISMO NG KARATULA. MALAKAS SIGURO ITO DYAN SA CITY HALL NG MANILA. CHAIRMAN JOJO D. MANUEL, PAKIKASTIGO NAMAN ANG MGA ILLEGAL PARKING DYAN SA GONZALO ST, ALONG AVENIDA RIZAL. MGA TRIKE BIKE NAKATAMBAY. – MATA NG LANSANGAN

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">