Advertisers

Advertisers

OFW groups, suportado ang DOFIL Bill ni Bong Go

0 342

Advertisers

SUPORTADO ng iba’t ibang grupo ng overseas Filipinos mula sa mga bansa sa Asia, Europe, Middle East at North America ang Senate Bill No.1949 na inihain ni Senator Bong Go na layong magtatag ng Department of Overseas Filipinos.

Umaabot sa 350 OFWs ang dumalo sa online forum na inorganisa ng United Filipino Global upang magkaroon ng awareness kung paano pa maayos na mapoprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino sa ibayong dagat.

Sa kanyang speech, sinabi ni Senator Go na mahalagang magkaroon ng departamento na siyang tututok sa kapakanan at interes OFWs na binubuo ngayon ng 10 porsiyento ng populasyon ng bansa.



“Ito po ang gusto naming maibigay sa inyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng DOFil. Around 10% na kayo ng populasyon natin kung kaya dapat lang na mayroong iisang departamento na tututok sa inyong interes at mga pangangailangan,” ang paliwanag ni Go.

“Ito po ang ating ipinaglalaban — ang kapakanan ng mga Pilipino kahit saan man sila sa mundo. Napaka-unfair naman para sa atin — na 10 percent nga kayo ng population wala kayong sariling departamento,” dagdag niya.

Inihalimbawa ni Go ang naging masamang epekto ng COVID-19 pandemic kung kaya libu-libong OFWs ang nagsiuwi sa bansa, karamihan ay nangangailabgan ngayon ng kagyat na tulong mula sa gobyerno.

“Mga nakaraang buwan tinamaan tayo ng pandemya na hindi natin inaasahan. Napakarami pong OFWs natin na talagang naghirap kahit saan na lang sila nananawagan sa radyo, sa Facebook, at … sa TV. Minsan ang dami pong tumatawag sa akin.”

“Kapag usapang overseas Filipino, iisang boses ang dapat nating pakinggan at magpapagitna ng lahat. Napakahirap ng nangyayari na ipapasa pa natin… Dapat mayroon tayong department na isang Cabinet-level secretary who will lead an organization structured to work together as one team to protect the rights… and welfare of our fellow Filipinos abroad,” ayon kay Sen. Go.



Noong December 14, 2020, inihain ni Go ang SBN 1949 na layong pabilisin ang trabaho ng lahat ng government agencies na may kinalaman sa overseas employment at migration.

Ang ‘Department of Overseas Filipinos Act of 2020’ ay ikatlong bersyon ng panukala na isinulong ni Go noong 2019 at sinertipikahan bilang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong 2021 ay isa ito sa top 20 priority bills na tinukoy, kapwa ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

“This is unprecedented … Alam ko po ito ang isang bagay kung bakit natutuwa at minamahal ng bawat migrante Pilipino ang Pangulo. Wala pong Pangulo ang gumawa niyan na every time magko-conduct ng State of the Nation Address hindi po nakakalimutan ang pagsulong sa isang departamento o sariling bahay para sa amin,” sabi ni Jun Aguilar ng Filipino Migrant Workers group.

“Kami ay isa sa inyo na sumusuporta sa bill ng mahal na senador. Hangad namin ang magkaroon ng sariling department ang overseas Filipinos upang mabigyan ng prayoridad at importansya ang issues at concerns ng ating OFWs,” dagdag naman ni Lucy Sermonia, pinuno ng isang recruitment agency.

Ayon kay Go, itiinuturing na mga bagong bayani ang OFWs at hindi mapapalitan ang hirap at sakripisyo na mawalay sila sa pamilya para lang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buang kaya nararapat lamang na sila ay maalagaan.

“Marami akong pinakiusapan — si Executive Secretary [Salvador] Medialdea, si [Cabinet] Secretary Karlo Nograles —- para pakiusapan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magkasundo at magkaroon tayo ng isang bill na talagang katangga-tanggap sa lahat.”

“Kinausap ko rin ang kapwa ko mga senador. Sabi ko, nakikiusap ako na tulungan niyo kami, kung paano ma-craft ‘yung law na katanggap-tanggap po sa lahat,” anang senador. (PFT Team)