Advertisers
SA Mayo 8 pa ang huling araw ni General Debold Sinas sa Philippine National Police (PNP).
Sa Mayo 8 ay Ika-56 taong kaarawan ni Sinas.
Sa araw ding ‘yan siya magreretiro alinsunod sa PNP Law.
Sana maging maingat na si Sinas sa kanyang mga inihahayag sa media.
Mainam kung iisipin muna niyang mabuti ang isasagot niya sa mga taong ng mga journalist upang sa huli ay hindi siya napapahiya dahil pinuno siya ng PNP.
Sa kaso ni Christine Dacera ay napahiya si Sinas dahil idineklara niya sa media na “lutas” na ang nasabing krimen.
Nanindigan din si Sinas na ginahasa at pinatay si Sinas.
Kaya, okey kay Sinas ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa pinaghihinalang mga gumahasa at pumatay kay Dacera sa loob ng City Garden Hotel sa Lungsod ng Makati.
Katunayan, nagbabala pa si Sinas sa mga suspek na sumuko na sila sa PNP.
Ngunit, napatunayang mali si Sinas nang ibasura ng piskalya ang kasong isinampa laban sa mga suspek.
Ang dahilan ng piskalya ay walang matibay na batayan na nagsasabing ginahasa at pinatay si Dacera ng labing-isang katao na sinampahan ng kaso.
Wala ring matibay na ebidensiya na nagtuturo kung sino , o sinu-sino, sa labing-isa ang gumahasa at pumatay kay Dacera.
Dahil palpak ang isinampang kaso laban sa labing-isang akusado, hindi tinanggap ng piskalya ang kaso.
Iminungkahi ng piskalya na maglunsad muna ng “preliminary investigation” upang matukoy ang totoong sinapit ni Dacera.
Tiyakin muna kung siya ay ginahasa at pinatay.
Kung ginahasa, sino, o sinu-sino ang gumahasa.
Kung pinatay, paano pinatay?
Sino, o sinu-sino ang mga pumatay?
Kung hindi naman siya ginahasa at hindi rin siya pinatay, napakaganda ring opisyal na ideklara ng PNP, partikular si Sinas, upang maging malinaw sa lahat, partikular na sa pamilya Dacera ang totoong nangyari kay Christine.
Mismong piskalya ang nagdeklara na hindi lutas ang kaso ni Dacera dahil ibinasura ng anito ang kasong isinampa ng PNP laban sa labing-isang akusado.
Sana susunod na mga krimen ay ayusin n ani General Sinas ang kanyang mga pahayag.
Ito’y upang hindi siya napapahiya.
Tandaan na kapag napahiya si Sinas ay napahiya na rin ang buong PNP sapagkat si Sinas ang pinuno nito hanggang Mayo 8.