Advertisers
HINDI na nakatiis sa kanyang nararamdamang sakit tuwing gagamitin ng mister ang isang misis kaya’t inireklamo nito sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng pulisya ang asawa na nagpalagay ng bolitas sa ari sa Matina Aplaya, Davao City, Sabado ng gabi.
Sa ulat, isinalaysay ng isang Lenlen, ‘di tunay na pangalan, na masyadong malaki ang inilagay na bolitas sa ari ng kanyang asawa na si Boloy, ‘di rin tunay na pangalan, kaya sobra siyang nasasaktan sa tuwing gamitin siya ng mister
Ayon sa misis, kinumprontra niya ang kanyang mister hinggil sa bolitas nito sa ari pero nagalit ito at binugbog siya.
Umiiyak ang misis nang humihingi ng saklolo sa mga pulis hinggil sa sinapit niya sa kamay ng kanyang asawa.
Ipinatawag ng pulisya ang mag-asawa at pinayuhan na mag-usap ng maayos at ‘wag nang iparating sa barangay ang kanilang problema.
Humingi naman ng tawad ang mister sa kanyang misis.