Advertisers
LOOK! Ang taong minsan nangarap pamunuan ang Pilipinas para iangat ang ekonomoya at pamumuhay ng mga Pinoy ay kabilang na ngayon sa listahan ng 500 bilyonaryo sa buong mundo.
Opo! Si Manny Villar, ang dating Senate President na tumakbong presidente noong 2010 ngunit ipinagpalit ng nakararaming botante sa isang “noynoying”, ang tanging Pinoy na nakapasok sa Bloomberg Billionaires Index 2020.
Ibig sabihin, si Villar na ang pinakamayaman sa lahat ng tycoons sa Pilipinas, nalamangan na niya ang dating ka-share sa puwesto na si Enrique Razon.
Sa listahan ng 500 pinakamayayamang tao sa mundo, si Villar ang No. 1 sa Pilipinas na mayroong net worth na $6.76 billion. Ang kanyang yaman ay mula sa real state.
Nasa top list ng mga bilyonaryo sina Elon Musk ($209-B), Jeff Bezos ($186-B), Bill Gates ($134-B), Bernard Arnault, Mark Zuckerberg, Zhong Shanshan, Warren Buffett, Larry Page, Sergey Brin, at Larry Ellison.
Si Villar, mister ni Senadora Cynthia at ama ni DPWH Sec. Mark, ay nagretiro sa politika nang matalo sa presidential race laban kay Noynoy Aquino noong 2010. Simula noon tumutok na siya sa kanilang negosyong real state, na nagsimula sa pagtatayo ng mga subdivision.
Noong pangulo ng Senado si Villar, maayos niyang napatakbo ang lehislatura, nagkaroon ng magandang ugnayan ang Senate at House of Representatives pati ang Chief Executive (Gloria M. Arroyo), kungsaan maraming kapaki-pakinabang na mga batas ang naipasa. Kaya napakaganda ng takbo ng ekonomiya noon. Pramis!
Kung nabigyan lang siguro noon ng pagkakataon si Villar na maging Presidente ng Pilipinas, palagay ko ay hindi ngayon nagkakahetot-hetot ang ekonomiya ng bansa, baka naturukan narin tayo ng covid vaccine. Mismo!
Anyway, binabati natin si Don Manny Villar sa patuloy niyang pagyaman. Beke nemen mabigyan mo ako ng isang isang condo unit sa mga condo mo, Boss! You’ve so many many money now, Sir Manny!!!
***
May balitang isa sa pamilya ni Manny Villar ang maging running mate ng iendorsong pangulo para sa 2022 election si Presidente Digong Duterte.
Last term sa Senado ngayon ng misis ni Villar na si Cynthia. Kung hindi Presidente ang tatakbuhin nito ay malamang Vice ng sinuman sa iendorsong presidentiable ni Digong.
Si Cynthia ay palaging No. 1 sa survey ng SWS at Pulse Asia. Lagi silang dikit sa mga survey ni Sen. Grace Poe na last termer narin.
Kung si Inday Sara Duterte ang iendorso ni Digong, hindi magandang running mate si Cynthia. Pareho silang babae. Maari pa ay si Mark Villar ang maging Vice ni Sara.
Kung kakasa namang pangulo si Cynthia, matibay ni-yang ka-tandem alinman kina Bongbong Marcos at Sen. Manny Pacquiao.
Kung si Pacquiao ang mag-ambisyong presidente, da-pat ka-tandem niya ay ang katulad ni Sen. Grace Poe.
Ang tanging may problema sa running mate ay si VP Leni Robredo. Kung papayag si Pacquiao maging Vice nito, matibay…
Ang isa pang malakas para sa VP ay si Manila Mayor Isko Moreno. Pero ayaw pa nitong umakyat sa national. Pagagandahin aniya muna ng husto ang Maynila. Ayos! Sama ako dyan, Yorme!