Advertisers
BINATIKOS ni Vice President Leni Robredo ang umano’y iresponsableng paghawak ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Robredo, iresponsable ang mga pahayag ng PNP na sabihing case closed na ang kaso kahit na walang malinaw na ebidensya na magpapatibay sa kasong rape with homicide na isinampa sa mga suspek.
“Para sa akin, napaka-irresponsible na sabihing case closed, napaka-irresponsible na sabihin na ito iyong dahilan nang wala ka pang basehan. Para sa akin, unang-una ang laking kasalanan noon sa pamilya ng namatay, lalo na hindi klaro kung paano namatay ang anak,” ani Robredo.
Hindi rin umano makatarungan para sa mga nadawit ang pangalan sa kaso dahil wala namang naganap na maayos na imbestigasyon.
Pinaalalahananpa ni Robredo ang mga awtoridad na maging maingat at sumunod sa mga protocols sa paghawak sa mga kaso.
Magugunitang inihayag ng PNP na case closed na ang kaso matapos kasuhan ng rape with homicide ang mga suspek.
Iniutos naman ng piskalya na pakawalan ang tatlong suspek dahil sa kakulangan ng mga ebidensya. (Jonah Mallari)