Advertisers

Advertisers

Susi sa tagumpay

0 843

Advertisers

ODIONGAN, Romblon — PAGKAKAISA ang susi sa tagumpay sa halalang pampanguluhan sa 2022. Malaki ang tsansa ng tagumpay nang sinuman sa mga grupo, lapian, o koalisyong pulitikal na magkakabigkis-bigkis para sa 2022. Masusing paghahanda ang kailangan upang masiguro ang tagumpay.

Nasa poder ang Davao Group, o ang grupo ng mga taga-Mindanao. Ngunit matindi ang pakiwari na hindi sila nagkakaisa. Bagaman nangunguna si Sara Duterte sa survey ng mga kandidato sa 2022, nandiyan si Manny Pacquiao na maaaring humati sa mga boto. Hindi pumapayag si Rodrigo Duterte na tumakbo si Sara. May salapi ang Grupong Davao, ngunit katanungan kung handa silang gumastos.

May hugong na nais ni Duterte na maging bise si Sara ni Cynthia Villar. Si Cynthia kasi ang may salapi para sa kampanya. Hindi tatakbo si Cynthia. Hindi gumagalaw ang kanyang kampo. Kabaligtaran ito noong tumakbo ang asawa na si Manny Villar noong 2010. Naghanda ang mga Villar kahit malayo pa ang halalan.



Maaaring pumalaot si Bebot Alvarez upang tuluyang mawasak ang Grupong Davao. Matindi ang galit ni Bebot kay Sara na nabalita na nagmaniobra noong 2018 upang maalis siya bilang ispiker ng Kamara de Representante at palitan ni GMA. Maaaring pumagitna si Bong Go kung hindi magklik si Sara bilang kahalili ng ama. Siya ang itim na kabayo (dark horse).

May mga pananaw na hindi basta bibitiwan ng Grupong Davao ang Malacanang. Labis na nalango at nasarapan sila sa poder. Iba talaga ang kapangyarihan. Gagawin nila ang lahat – kahit mandaya – basta manatili sa poder. Batid nila na sa kulungan ang kanilang tuloy sa sandaling mawala sila sa kapangyarihan at maupo ang kanilang mga katunggali.

Hindi nagkakaisa ang oposisyon, o ang puwersang demokratiko ng kinabibilangan ng koalisyon ng Liberal Party, Akbayan Party, Samahang Magdalo, at iba pang samut-saring lapian at kilusang demokratiko sa bansa. Matingkad ang pangalan ni Bise Presidente Leni Robredo upang sumabak sa halalan, ngunit hindi mabatid kung handa niyang pamunuan ang hanay ng oposisyon dahil mukhang alanganin siyang magdesisyon.

Maliban kay Leni, may mga matitingkad na pangalan ang Liberal Party: Mar Roxas, Kiko Pangilinan, pangulo ng lapian, Franklin Drilon, Bam Aquino, at Leila de Lima. Maaaring isabak ang sinuman sa kanila. Ngunit may malaking problema ang LP: ang kawalan ng tamang pagpapasya. Maraming bida ang lapian ngunit hindi sila makapagdesisyon ng maayos. Ito ang dahilan kung bakit hindi umaabante ang lapian.

Natalo ang Otso Diretso noong 2019. Pinamunuan ito ni Leni at isang batik ito sa reputasyon ng oposisyon. Hindi malinaw kung paano aahon ang lapian. Bagaman mayroon 17 buwan pa ang halalan, hindi pa maayos kung ano ang gagawin upang makabawi. Wala pang malinaw na istratehiya ang oposisyon upang mabawi ang poder.



Gayunpaman, may ilang positibong palatandaan ang oposisyon upang maging isang aktibo sa susunod na ilang buwan. Maraming kasapi ang Samahang Magdalo ang nagbalikan na sa lapian lalo nang mabisto na walang maasahan kay Duterte. Marami sa kanila ang umamin na “naduterte” sila, o naloko ng tila bangag na lider. Umalis sila noong halalan ng 2016 dahil biglang lumakas si Duterte at tuluyang nanalo. Marami ang nagsisi.

Bukod diyan, matingkad ang pangalan ni Sonny Trillanes sapagkat isa siya sa mga nagdadala sa oposisyon. Patuloy siyang nagsasalita sa maraming usapin. Hindi natutulog ang kasong crimes against humanity na kanilang idinulog sa International Criminal Court. Patuloy itong umiinog. Maaaring mabigyang linaw ngayong taon kung uusbong. Kapag tuluyang sumampa sa husgado ang asunto, si Trillanes ang aani ng kredito.

Kahit hindi kalakihan at natalo ang kanilang party list rep noong 2019, muling nagpapalakas ang Lapiang Akbayan. Mukhang natuto sa kanilang pagkakamali. Nanatiling moog ang mga demokratikong kaisipan ang Akbayan. Hindi ito nawawala sa laban. Nandiyan si Senadora Risa Hontiveros at ang butihing chair emeritus na si Etta Rosales upang gabayan ang lapian.

May balita na papalaot si Dick Gordon at Ping Lacson sa 2022. Ngunit mahilig sa solo flight ang dalawang Lone Ranger. Hindi sila nakabuo ng mga matitibay na koalisyong pulitikal upang sumabak. Wala silang makinarya. Wala silang malinaw na suporta sa mga mamayan. Nasaan ang kanilang mga taga-suporta na magtratrabaho upang bigyan ng tsansa ang kanilang kandidatura? Hindi madali ang walang lapian sa halalan.

May balita na tatakbo si Bongbong Marcos. Hindi malinaw kung sa ilalim ng anong lapian. Nacionalista Party ba o National Unity Party? Ngunit nagkasakit ng Covid-19 si Bongbong Marcos. Kakayanin kaya ng manipis na katawan ni Bongbong ang lupit ng kampanya? Nasa hustong kalusugan ba siya upang pumalaot?

Enero pa lang. Marami ang maaaring mangyari. Hindi madali ang tumakbo sa susunod na halalan. Sa ganang amin, makulay ang political dynamics na babalot sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2021. Kanya kanyang labas ng baraha ang mangyayari.

***

MAY isinulat ang aming paboritong netizen tungkol sa usapin ng bakuna. Para kay Ba Ipe Lustre, walang malinaw na polisiya ang gobyerno ni Duterte. Kanya-kanyang diskarte ang mga LGU, lalo na iyong may salapi, pribadong sektor, at ilang piling mamamayan. Pakibasa:

TO EACH HIS OWN – ‘KANYA-KANYA’

IN Sept. 2020, Rodrigo Duterte was talking of the possibility of his government launching a nationwide mass vaccination, where every citizen would be given doses of anti-Covid-19 vaccine free of charge. We’re not new to mass immunization. We had the anti-polio mass inoculation program in 1993 and anti-measles, anti-dengue fever, and anti-polio mass immunization programs in 2014 (PNoy’s time). Duterte was cockily confident that the mass vaccination would enable the country to recover quickly from its economic issues brought by the pandemic. He was so sure that mass vaccination would be the single surefire formula to regain normalcy. He sounded as if it would be one of his legacy (if he would have any). All we have are announcements of negotiations and intention to buy vaccines.

Now, the seeming state policy – it’s to each his own. Kanya-kanya, in Tagalog. The Duterte administration could not deliver the promised mass immunization program against Covid-19. Sensing this seeming gargantuan failure of the Duterte government, several LGUs, private companies, civil society organizations, and groups of private citizens are taking the bull by its horns. They have started to negotiate to procure the vaccines, whichever brand is available, by themselves. They don’t want to wait for Duterte and his inept government. It’s 2021 and until now, it does not know what it intends to do. It has no clear idea if a mass vaccination program could be rightfully put in place.

What the private parties are doing could be aptly called expediency, by all means. One moves on the basis of the worst-case scenario. You can also call it prudence. You don’t wait for a leader, who sleeps most of the time.

***

Email:bootsfra@yahoo.com