Advertisers
I know women who have asked their rapists to use a condom, even offering one of their own. — Lawyer Marissa Korbel
MAKARAANG magtago ng halos isang dekada, isang dating pulis ang inaresto sa bias ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng korte sanhi ng panggahasa ssa kanyang 18-anyos na kasambahay sa Iloilo.
Nakakatuwang isipin na makalipas ang mahabang panahon ay nagawa pa ring mahuli ang suspek kahit nagtago pa ito sa kanyang ‘safehouse’ sa Barangay San Agustin sa san Fernando, Pampanga.
Dahil dito, nagunita natin ang kaso ng isang kaibigang babae na ginahasa din ng isang foreigner na kanyang tinulungan may anim na taon na ang nakaraan.
Ayon sa ating kaibigan, dati niyang boyfriend ang dayuhan at umabot din ang kanilang relasyon ng halos siyam na buwan. Noong mag-aanim na buwan na sila, naubusan ng pera ang foreigner kaya nakiusap itong manirahan pansamantala sa kanyang bahay at sa awa nama’y tinanggap siya ng ating kaibigan.
Dangan nga lang ay nagkasundo silang putulin na ang kanilang ugnayan at maninirahan ang Amerikano sa bahay ng walang bayad bilang tulong hanggang sa makabalik na siya sa Estados Unidos.
Kasunod nito, ang naging problema ng ating kaibigan ay ang madalas na pagyaya sa kanya ng kanyang bisitang dayuhan na magtalik sila. Panay ang tanggi niya rito hanggang sa napilitan siyang huwag nang umuwi sa sarili niyang tahanan para lang makaiwas sa kakulitan ng dating kasintahan.
Sukdulan naman ang naganap nang minsa’y makatulog siya at doon ay hinubaran siya ng Amerikano para halayin habang nahihimbing sa kanyang higaan sa sahig. Wala nang nagawa ang ating kaibigan nang magising siya dahil nakapatong na sa kanya ang lalaki at pilit na isinagawa ang maitim na balak.
Hindi nagawang ireklamo ng ating kabigan ang pangyayari dahil sa isip niya’y kahihiyan lang ang mapapala niya kung isusumbong niya ang dating boyfriend na foreigner para maparusahan sa kanyang ginawang krimen.
Marahil ay may kurot pa rin sa kanyang puso ang dating kasintahan kaya mas ninais na lamang na kalimutan ang panggagahasa sa kanya at sa halip ay pangakuhan pa nga ang lalaki na gagawin niya ang lahat para magkabalikan sila noong nakauwi na ito ng Amerika.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!