Advertisers

Advertisers

Nakipag-inuman sa nobyo at barkada… Dalagita na-gang rape sa ‘tagayan’

0 625

Advertisers

GINAHASA ang isang 16-anyos na Grade 9 student ng sarili nitong nobyo at dalawa pa nitong barkada sa Barangay San Cristobal, Licab, Nueva Ecija.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Melissa” na nasa “state of shock” nang halinhinang gahasain ng tatlong magkakaibigan kasama ng ang nobyo nito Biyernes ng gabi, Enero 8.
Ang nobyo at dalawang kaibigang nahaharap ngayon sa kasong rape ay nakilalang sina Nathaniel dela Cruz, 19-anyos, nobyo ng biktima; Joseph Esguerra, 22; at Francis Ngacngac, 24; pawang tambay.
Ayon sa report, niyaya ni dela Cruz ang nobyang si Melissa na mag-inuman Biyernes ng gabi, kungsaan dumating at nakisali rin sa inuman ang dalawang barkada ng una.
Nang malasing na ang dalagita, sinamantala na ng magkakaibigan ang kanilang makamundong pagnanasa. Nauna umano ang nobyo nito pagkataoos ay ipinasa sa dalawang barkada.