Advertisers
BINARIL-PATAY sa harap ng kanyang live-in partner ang 34-anyos na mister ng isa sa apat na armadong lalaki na pumasok sa loob ng kanilang kubo sa Malabon City nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Valentino Espinoza ng P. Concepcion St., Barangay Tugatog.
Sa ulat, 2:10 ng madaling araw habang natutulog ang biktima katabi ang kanyang live-in partner na si Maricel Dela Paz sa kanilang kubo sa Tugatog Cemetery sa P. Concepcion St. nang sapilitang pumasok ang armadong mga salarin at pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan at mabilis na tumakas patungong Dr. Lascano St.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation sina P/Capt. Andres Victoriano subali’t hindi na nila inabutan ang mga salarin.
Nag-iimbestiga pa ang pulisya sa krimen.(Beth Samson)