Advertisers

Advertisers

Mhack teacher na matapos magtrabaho sa gay bar

0 332

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KAKAIBA ang naramdaman namin habang pinapanood namin si Mhack Morales na nagsimulang sumayaw na naka-blazer at pantalon hanggang sa unti-unti niyang hubarin ang lahat (oo, lahat!) ng suot niya sa solo pocket presscon na idinaos para sa kanya ng producer ng pelikulang Anak Ng Macho Dancer na si Joed Serrano (thru his Godfather Productions) nitong Biyernes ng tanghali, January 8.

Napag-alaman kasi namin na teacher (oo, teacher!) si Mhack kaya iba ang feeling na alam mong isang guro ang hubu’t-hubad na gumigiling sa saliw ng malanding musika.



Hindi naman ibinuyangyang ni Mhack ang lahat, may hawak siyang sumbrero na siya niyang itinakip sa kanyang pribadong pag-aari.

At dahil guro siya, nakatutuwa naman na ayon sa kanya, suportado siya ng kanyang eskuwelahan (sa Tondo) at co-teachers at maging mga estudyante niya sa una niyang pagsabak bilang artista sa mapangahas na pelikula ni Joel Lamangan, ito ngang Anak Ng Macho Dancer.

Sa ANMD nga siya may frontal nudity kaya naman tiyak na aabangan ang gagawin na ito ni Sir Mhack (Sir kasi nga teacher siya).

By the way, physical education ang subject na hinawak ni Mhack bilang guro, na bagay  naman sa kanya dahil sa napakaganda niyang pangangatawan.

Sa ngayon ay hindi na (muna) nagtuturo si Mhack dahil sa pag-aartista siya nakapokus.



Naikuwento rin ni Mhack na nagtrabaho siya dati bilang dancer at guest relations officer sa isang gay club noong araw, ang Apollo sa Pasay na katabi naman ng White Bird na gay bar din na ang publicist ay si Roldan Castro na namahala ng presscon ni Mhack.

Ang trabaho niya sa Apollo ang nakapagpatapos kay Mhack ng pag-aaral, at sa mga panahon na nasa Apollo siya ay hindi alam ng kanyang mga magulang na ganoon ang uri ng kanyang hanapbuhay.

Ang alam ng parents niya ay bilang isang mascot ang trabaho niya.

Ngayon pa lamang, sa mga writeups at blogs, madidiskubre ng parents niya ang tungkol sa Apollo stint niya noon pero hindi naman daw siya nag-aalala.

Alam ni Mhack na bagkus ay ipagmamalaki pa siya ng kanyang mga magulang dahil gumawa siya ng paraan para makapagtapos ng edukasyon.

Malamang ay before January 31 ipalalabas ang Anak Ng Macho Dancer na nagkataong kaarawan din ni Joed, at malamang tulad ng  MMFF entries ay worldwide mapapanood ang ANMD. Posible rin na magkaroon ng theatrical release ang pelikula.

By the way, nakatutuwa naman na si Joed pala ay sa Binan, Laguna nag-aral; isang pribadong eskuwelahan, ang Colegio de Sta. Catalina sa Binan kung saan kami ipinanganak at nakatira hanggang ngayon.

***

EXCITING ang pasok ng taon para sa viewers ng primetime series na ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ dahil balik-telebisyon na ang serye simula January 18 sa GMA Telebabad.

Kuwento ni Barbie Forteza na gumaganap bilang Ginalyn, talagang kaabang-abang daw ang mga revelation scene sa kanilang pagbabalik. Matapos ang ilang buwan nilang pahinga sa taping, sobrang na-enjoy raw ni Barbie ang umarte muli kaya naman halos madala raw siya sa lahat ng eksena nila.

Aniya, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Inamin naman ni Kate Valdez na gumaganap bilang Caitlyn na nahirapan siyang mag-adjust sa kanilang pagbabalik-taping, “Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit ‘yung show.

Ganoon din ang pahayag ni Migo Adecer na gumaganap bilang Cocoy, “I remember the first three tapings, I couldn’t cry. But after the third day of taping, I was back in the saddle. It’s like riding a bike pala.”

Muling balikan ang kuwento ng magkaibigang sina Ginalyn at Caitylyn sa recap ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday simula January 18. Sa darating naman na February 8 ay mapapanood na ang fresh episodes ng serye.