Advertisers

Advertisers

Mga magtatapos ng kursong agrikultura bibigyan ng 3 ektaryang lupain

0 319

Advertisers

HANDA umano ang Department of Agrarian Reform (DAR) na mamigay ng lupain sa mga estudyante na magtatapos sa kursong agrikultura.
Sinabi ni DAR Secretary John Castriciones, ang hakbang na ito ay makakatulong umano para buhayin ang interes ng kabataang Pilipino pagdating sa sektor ng agrikultura.
Ang bawat agriculture graduate aniya na interesadong gamitin ang kanilang pinag-aralan sa agrikultura ay bibigyan ng tatlong ektaryang lupa.
Layunin ng ahensya na hikayatin ang kabataan na papasok ng kolehiyo na piliin ang agriculture bilang kanilang kurso at gayundin ang mga magulang na susuporta sa desisyon ng kanilang mga anak.
Kasama raw ito sa probisyon na nakapaloob sa Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law na inaprubahan noong pang 1988.
Hindi pa raw ito napapatupad simula noon at ngayon lamang ipapatupad sa ilalim ng administrasyong Duterte. Nakahanda na rin aniya ang mga lupain na ipamimigay.
Aabutin ng halos 15 hanggang 20 ektarya ng lupa ang ipapamigay sa mga agriculture graduates mula Cagayan State University ngayong buwan.
Mayroon din umanong 50 ektarya ng lupain sa Palawan ang ibibigay din sa mga graduates.
Dagdag pa ni Castriciones na kalimitang mababa ang tingin sa mga magsasaka na saka lamang napansin noong makaranas ng pandemya ang bansa.