Advertisers

Advertisers

Mga lumikas sa mga bakbakan ng militar at mga bandido sa Mindanao nangangailangan na ng tulong

0 321

Advertisers

Habang marami ang naaawa sa kinahinatnan ng Flight Attendant na si Christine Dacera, mas maraming pamilya naman ang nakakaawa at napilitang lumikas dahil sa pag atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa dalawang bayan ng Maguindanao.
Marami naman po ang nakatutok sa kaso ni Ms Dacera, baka naman po may gusto rin umaksyon sa kalagayan ng ating mga kababayan na apektado ng terorismo sa Maguindanao. Ano na po ba ang aksyon ng mga nakaupo? Ang sabi sa balita umabot sa 1,300 na pamilya ang lumikas, baka naman po may mag- abot ng tulong sa kanila hanggang sa makabalik ng ligtas sa kanilang mga bahay. Wag sanang paikutin ang balita at tulong sa iilan. Militar lang ba ang may balak tumulong sa mga katutubong naiipit sa kaguluhan, wala bang balak ang mga namumuno na umagapay sa kanilang nasasakupan? – Jersan Arguilles

Kabilaan illegal parking sa Gonzalo St., Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila
TEXT BRIGADE: BARANGAY CHAIRMAN JOJO D. MANUEL. REPORT KO LANG NA GINAGAWANG PARKING SPACE ANG KANTO GONZALO ST., RIZAL AVENEU, MLA. BAKA MABULAGA KAYO NI YORME, CHAIRMAN. MAGKABILANG PANIG ANG ILLEGAL PARKING. KAYA NAGKAKA-TRAFFIC TRAFIC DAHIL SA MGA PASAWAY NA PEDICAB AT SIDE CAR. HUWAG KAYONG PASAWAY MGA TYONG! BAKA MA-TOWING KAYO. KAYO RIN BAKA ANG PAMBILI NG ISANG KILONG BIGAS MAPUNTA PA SA PANTUBOS. – MATA NG LANSANGAN