Advertisers

Advertisers

Lola ‘di halos nakahinga sa loob ng kotse nang iwan ng mga kasama na nag-shopping

0 313

Advertisers

ISANG netizen ang nagbahagi sa social media kaugnay sa nakita nitong isang lola sa loob ng kotse na hindi umano halos makahinga at pinagpapawisan.

Ito’y matapos umanong iwanan ang matanda ng kanyang dalawang kasama na nag-shopping sa isang kilalang shopping center sa Alabang, Metro Manila.

Base sa facebook post ni Grace Samillano-Lacusong, nasa parking sa S&R Alabang siya nang nakita niya sa parking na halos hindi na makahinga sa loob ng kotse ang kaawa-awang lola.
Nang tanungin ng nagmalasakit na babae ang matanda kung nasaan ang mga kasama, sinabi nito na nasa ‘palengke’ ang dalawa nyang kasama.



Kwento ni Grace, gutom, uhaw na uhaw at pawisan na ang naturang lola nang makita niya ito.
Nagmakaawa rin aniya sa kanya ang lola na palabasin siya sa kotse.

Dagdag pa ni Grace, wala raw paging system ang nasabing establishment kaya hindi madali ang naging paghahanap sa mga kasama ng naiwang matanda.

Dahil dito, tumawag si Grace ng guards at iba pang staff para matulungang makalabas ang lola sa kotse at binilhan nalang aniya ito ng pagkain at tubig.

Nang dumating ang dalawang kasama ng lola, parang nagalit pa ang mga ito dahil pinalabas ng sasakyan ang matanda na may alzheimers.

Ayon pa sa nasabing netizen, pinost niya ang insidente bilang awareness na dapat maging responsable ang sinuman at kung hindi rin maisama sa pupuntahan ay sana nag-iwan ng isang kasama para mabantayan ang matanda.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">