Advertisers
PLANO ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran na magpatawag ng isang congressional inquiry kaugnay ng reklamo ng mga depositor sa ilang bangko na nawala ang kanilang nakadeposit na pera at hindi pagsunod sa mga probisyon ng Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Law.
Ginawa ni Rep.Taduran ang pahayag, bunsod na rin ng mga natanggap na reklamo ng ACT-CIS mula sa mga depositor na nagsabing nawalan ng milyong piso mula sa ilang mga bangko, na hindi maipaliwanag o hindi nakikipagtulungan ang mga bangkong ito para matukoy kung paano nawala ang malaking halaga ng pera ng depositor. Sa halip ay pinayuhan ng bangko ang mga nagrereklamo na magtungo na lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
“In one case, one account lost ₱270 million, which magically disappeared, with the bank claiming that several withdrawals of ₱10 million upwards were made from the account over a period of time. The client claimed he made no such withdrawals. Instead of conducting an in-house investigation, considering the bank manager together with his family can not be located anymore, he was then told by the bank to simply bring the matter to the BSP,” paglalahad ni Taduran
Itinanong din ni Taduran, “if the withdrawals were over ₱10M, shouldn’t the bank have made a report to the AMLC as a suspicious transaction, considering that several huge withdrawals were made?”
“Kung check o fund transfer ang ginawa, hindi ba alam ng bangko kung saan napunta ‘yun? At kung cash naman, hindi ba dapat inireport ito sa AMLC?” dagdag na tanong ng mambabatas.
Sa ilalim ng R.A. No. 9160, ang mga pampinansiyal na institusyon tulad ng bangko ay kailangang inirereport sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga cash transaction na mahigit sa kalahating milyong piso (mahigit ₱500, 000.00) sa loob ng isang araw ng pagbabangko. Kaduda-duda rin ang transaksyon kung hindi naipapaliwanag kung saan pupunta ang malaking perang winithdraw sa account ng isang depositor.