Advertisers

Advertisers

Fr. Badong: Mga deboto spreader ng pag-asa ‘di ng COVID-19

0 374

Advertisers

IGINIIT ng pamunuan ng Quaipo Church na nasunod ng mga deboto ng Itim na Nazareno ang health protocol sa pagdiriwang ng kapistahan sa kabila ng banta ng Covid-19 nitong Sabado.
Ayon kay Fr.Douglas Badong, parochial Vicar ng Simbahan ng Quaipo, naging maayos ang daloy ng kanilang aktibidad dahil disiplinado naman ang mga dumalong deboto.
Naniniwala rin ang pari na hindi intensyon ng mga deboto na lumabag sa social distancing dahil sa liit ng espasyo kaya hindi maiiwasan na tila magkakadikit.
“Kung titingnan mo lang sa picture magkakadikit, pero kung andun ka sa actual hindi talaga magkakadikit. Sila rin naman ang umiiwas sa isat-isa,” ayon pakay Fr. Badong.
Ayon pa sa pari, hangad ng Quiapo Church na hindi super-spreader ang pagdagsa ng mga deboto dahil ang mga deboto aniya ay hindi spreader ng virus kundi spreader ng pag-asa. (Jocelyn Domenden)