Advertisers
MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa apat na drug personalities kabilang ang isang company driver nang maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Police chief, Col. Samuel Mina Jr., 9:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Capt. Deo Cabildo kontra kay Jenelito Abanes, 25; at Marieta Cañedo, 44, sa Riverside Libis Baesa, Brgy. 160.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 45 gramo ng shabu na nasa P306,000.00 ang halaga.
Bandang 1:10 ng madaling araw nang madakma rin ng mga operatiba ng SDEU si Montgomery Dumapit Jr., 29, sa buy bust sa Lerio St., Brgy. 174 ng lungsod. Nakuha sa kanya ang nasa 30 gramo ng shabu na nasa P204,000.00 ang halaga, at P7,500 marked money.
Nauna rito, 9:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, kasama ng Sta. Quiteria Police Sub-Station, ng buy-bust sa Tullahan Road, Brgy. 162, kungsaan naaresto ang isang Gilbert Salazar alyas Boss, 38, company driver.
Narekober sa kanya ang nasa 20 gramo ng shabu na nasa P136,000.00 ang halaga, at P7,500 buy-bust money. (Beth Samson)