Advertisers
NAKATAKDANG pumirma sa isang deal ang dating NBA player na si Jeremy Lin sa Golden State Warriors G League team na Santa Cruz Warriors.
Gagawin ang 2021 G League season sa Disney World bubble sa Orlando, kung saan ang opening ay inasahan sa unang bahagi ng February.
Magtatapos ang playoffs nito sa buwan ng Marso kung saan 18 franchises lamang ang ipinadala ng mga NBA teams.
Sinasabing ang hakbang ni Lin ay bilang pagtatangka na muling makabalik sa NBA.
Huling naglaro si Lin sa NBA ay noon pang 2019 at bahagi siya ng nagkampeon na Raptors pero bibihira lamang siya ipasok para maglaro.
Matapos nito ay hindi na na-renew ang kanyang kontrata kaya napunta siya sa China at naglaro sa Beijing Ducks.
Kung ipapaalala sumikat ng husto si Lin noong bahagi pa siya ng Knicks pero nagpabago sa kanyang career ang naranasang injury noong 2017.