Advertisers

Advertisers

3×3 veterans Pasaol, Santillan sasali sa PBA rookie draft

0 244

Advertisers

NAGSUMITE ng kanilang application si No. 2 ranked 3×3 player Alvin Pasaol at Santi Santillan para lumahok sa PBA rookie draft.

Sinumite ng dalawa ang kanilang application nitong Biyernes.

Ang 6-foot-4 Pasaol ay kilala sa kanyang pisikal style na laro at ang kanyang 49-point explosion sa University of the East noong 2017.



Una siyang naglaro sa Petron-Letran at Marinerong Pilipino sa PBA D-League, bago lumipat sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league.

Habang si Santillan, naglaro sa University of the Visayas at La Salle bago lumipat sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3.

Ang iba pang players na nauna ng nagsabmit ng kanilang application para sa draft ay sina Frank Johnson, Tyrus Hill at Troy Rike.

Si Johnson ay naglaro sa AMA Marinerong Pilipino, at Gamboa Coffee Mix sa PBA D-League,habang si Hill naglaro sa Adamson at La Salle.

Rike ay dating Gilas cadet na naglalaro sa National University bago sumali sa 3×3 circuit.



Ang Annual PBA Drafty ay nakatakda sa March 14.