Advertisers
Kaloka talaga ‘to si Joma Sison na nagpapakasarap sa ibang bansa, samantalang ang alipores nya dito sa Pilipinas ay inutusan para mag-deploy nang ‘special partisan’ para maghasik ng lagim at ipangtatapat sa ating mga militar at pulis. Pero ang mas nakakaloka e ang mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanilang baluktot na ideyolohiya. Sila-sila mismo sa kanilang grupo ang nagpapatayan tapos kalaunan ipapasa nila sa security forces ang sisi. Idagdag pa ang itong isyu ng red-tagging na pilit na pinangtatakip ng mga maka-kaliwang grupo, tinatakot nila ang kanilang mga sarili na sila rin naman ang may gawa. Ang nakakainis pa nanghihikayat sila ng mga kabataang walang muwang sa katotohanan at kinabukasan sana ng ating bayan. Ang siste nadadamay ang mga magulang na may magandang pangarap sana para sa kanilang pamilya.
Illegal parking, may kubol pa sa Rizal Avenue at Recto, Sta. Cruz, Manila
TEXT BRIGADE: YORME KALIWA’T KANAN NANAMAN ANG MGA ILLEGAL PARKING DYAN SA RIZAL AVENEU AT RECTO, STA. CRUZ. MAY NAKAKUBOL PA, SINAKOP NA NAMAN ANG SIDE WALK. KAYA TRAFFIC NA NAMAN. MGA LAW EMFOCER DEDMA LANG SA NAKIKITA. MAYOR ISKO, DAPAT DIN PASYALAN NG DILG MMDA. PARA SA CLEARING OPERATION. MGA BROD HUWAG NYONG ABUSUHIN ANG MABAIT NA ALKALDE NG MAYNILA. – MATA NG LANSANGAN