Advertisers
NANGAKO si female world champion boxer Nesty Petecio na itotodo na ang kanyang live training kapag nakabalik sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.
Sinabi ni Petecio na hahabulin niya ang huling bus patungong 2021 Tokyo Olympics para sa final Olympic qualifier sa Paris sa Mayo.
“Kung nung nag-prepare ako sa worlds umiyak ako sa training, ngayon kung kailangang sumuka ako sa training gagawin ko,” wika ni Petecio, isa sa top boxer ng Association of Boxing Alliances in the Philippines.
Ang ABAP ay ang sports national governing body.
Si Petecio ay nagtiyaga sa online training session sa panahon ng pandemic, nagrenta ng apartment sa Digos City, Davao del Sur malapit sa gym.
Ang pagbaba ng timbang ang isa sa malaking pag-aalala ni Petecio dahil bumigat, lalo na sa panahon ng holiday season.
Umaasa siya at ang kanyang team na magawa ito sa training sa susunod na ilang buwan.
“Medyo hindi enough pero gusto kong makuha ang slot na ito gusto kong makapasok dito kung kailangang magtriple sa training gagawin ko talaga para makuha ang kondisyon ko,” sambit ni Petecio.
Petecio kasama ang kanyang teammates ay nakatakdang lumipad patungong Manila sa Enero 9, bago dumiretso sa kanilang bubble training sa Laguna.
Iba pang atleta na naghahabol sa Olympic slot para sa qualifiers sa Paris ay sina Carlo Paalam (lightflyweight) Rogen Ladon (Flyweight) at Ian Clark Bautista (bantamweight).
Irish Magno (flyweight) at Eumir Marcial (middleweight) ay kwalipikado na para sa Tokyo Games.