Advertisers

Advertisers

Jailbreak: 4 preso pumuga sa QCPD-PS 11

0 337

Advertisers

NAKATAKAS sa kulungan ng Quezon City Police District (QCPD) – Galas Police Station 11 ang apat na preso matapos lagariin ng mga ito ang rehas na bakal nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ni QCPD Director, Brig. General Danilo Macerin, ang mga nakatakas na sina Glenn Louie Limin alyas Glen, nahaharap sa kasong droga, ng Bagong Barrio, Caloocan City; Marvin Inciong alyas Inok, may kaso ring droga at robbery, ng Brgy San Isidro, Paranaque City; Joel Sanchez alyas Jovan Tokwa, robbery hold-up, ng Kabignayan St., Brgy. Tatalon Q.C.; at Ronald Buenafe alyas Totie, may kasong droga, ng Lumot St., Brgy Tatalon.
Sa ulat, 2:58 ng madaling araw nang mangyari ang pagtakas sa loob mismo mg Galas Police Station 11.
Base sa kuha ng CCTV, nakalabas ng selda ang mga preso nang maputol nila ang bakal ng kulunan at isa-isang lumusot at nakalabas ng presinto.
(Boy Celario)