Advertisers
BINIGYANG diin ng grupong Gabriela na ang pulisya ang dapat sisihin sa kalituhan ng publiko ukol sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera, ang flight attendant na natagpuang walang buhay sa loob ng isang hotel sa Makati noong Bagong Taon.
Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas, nilinlang ng Philippine National Police (PNP) ang mga Pinoy nang sabihin nilang “case solved” na ang insidente bago pa lumabas ang mga ebidensiya, gaya ng autopsy findings at toxicology report.
Para kay Brosas, ginawa ito ng PNP para pabanguhin ang kanilang imahe.
Maliban dito, binatikos din ni Brosas ang pananakot ng pulisya sa mga salarin sa kaso para sumuko, kahit wala pa namang iniisyung warrant ang anomang korte, matapos na magbigay ng 72-hour period para sumuko.
Mungkahi ng mambabatas, kailangan baguhin ng kapulisan ang kanilang bulok na sistema ng imbestigasyon at pag-imbento ng kaso kahit wala pang ebidensiya.