Advertisers
Cagayan – Bumulagta ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin sa Babayuan, Amulung, Cagayan.
Ayon kay Police Major Osmundo Mamanao, hepe ng Amulung Police, nagtamo ng 18 tama ng kalibre .45 at 9mm pistols sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Ferdinand Javier, 46-anyos, kagawad ng Brgy. Babayuan.
Siniguro ng tatlong salarin na walang buhay ang biktima kaya tinadtad ng bala ang katawan.
Sa salaylay ng mga nakakita sa pamamaril, ang mga salarin ay sakay ng itim na Hilux pick up truck na walang plaka. Tinawag pa umano ng mga ito ang biktima bago pinagbabaril.
Posible umanong kakilala ng biktima ang mga salarin.
Si Javier, negosyante ng buy and sell ng palay at mais, ay kabilang sa “drugs watchlist” sa lugar. (Rey Velasco)