Advertisers

Advertisers

24,700 NA ‘FAKE’ SENIOR CITIZENS, BINUNYAG NI ISKO

0 316

Advertisers

NASA kabuuang 24,700 na mga pekeng senior citizens ang nakarehistro sa Maynila at ang mga ito ay ‘non-existent’ at nangangahulugan ng P148 million na pagkalugi sa kaban ng lungsod taon-taon kung hindi maisasaayos.

Ito ang binunyag ni Mayor Isko Moreno, na nagsabing ang mga ‘fake senior citizens’, ‘missing senior citizens’ o ‘non existing senior citizens’ ang siyang dahilan ng pakakaantala sa paglalabas ng PayMaya cards dahil nililinis na ng Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) na pinamuminuan ni Marjun Isidro ang listahan nito.

Ang pagbubunyag ni Moreno ay bunsod ng naganap na raid kamakailan sa Binondo kung saan nakumpiska ang mga bogus na P1,000 bills, passport at ilang fake senior citizens’ identification cards.



“Kaya na-delay…nasakripisyo mga senior citizens. Kaya kami nag-manual nung Pasko. Nalaman naming mahigit 24,000 ang fake na pangalan. Pag hinayaan namin, matatapon na parang bula ang pera ng gobyerno,” sabi ni Moreno.

Napuna ni Moreno na ang P500 monthly financial assistance na binibigay sa mga senior citizens kung mapupunta sa may 24,000 fake senior citizens ay mangangahulugan ng pagkaluging aabot sa P12 million kada buwan at P148 million kada taon para sa pondo ng pamahalaan.

“Kaya di n’yo ko masisisi na maging masinop dahil bago pa ako mag-mayor, inabuso ito (OSCA IDs). Pineke nang pineke..kaya nga sinisinop ko, pero kahit pano ni-release namin manual,” pahayag ng alkalde.

“Mga walanghiya, pati benepisyo ng mga tao ninanakaw..tignan nyo, nahirapan mga senior kaya kami nag-manual,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Isidro, sa kasalukuyan ay may 85,000 senior citizens na ang nabigyan ng PayMaya cards habang 60,000 pa ang prinoproseso.



Ang pamahalaang lungsod, sa inisyatibo ni Moreno at ng buong suporta ng Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding officer at majority floorleader Atty. Joel Chua, ay mayroong social amelioration package na nagbibigay ng cash assistance sa iba’t-ibang sektor.

Maliban sa ipinagkakaloob sa senior citizens, kabilang din sa mga beneficiaries ay ang mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM) na tumatanggap ng P1,000 kada buwan, gayundin ang mga Grade 12 students, persons with disability at solo parents. (ANDI GARCIA)