Advertisers

Advertisers

Tauhan ng PNPA huli sa droga sa loob ng kampo

0 228

Advertisers

ARESTADO ang isang Mess Personal ng Philippine National Police Academy (PNPA) nang makuhanan ng drug paraphernalias at mga tira-tirang shabu sa loob mismo ng kampo sa Barangay Tartaria, Silang, Cavite, Lunes ng hapon.
Dinala sa Silang Police Station ang dinakip na nakilalang si Diosdado Reyes, Jr., nasa hustong gulang, Mess Personnel ng PNPA Mess Hall at ‘di umano’y drug peddler.
Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director, Col Marlon Santos, personal na itinurn-over sa Silang Police ni Lt. Col Crisostomo Ubac, hepe ng Intelligence and Investigation Department ng PNPA, kasama ang ilang barangay officials ng Tartaria ang suspek na nakuhanan ng drug paraphernalias at mga shabu residue sa loob ng quarters nito.
Sa report, 2:00 ng hapon nang magsagawa ng inspection sa quarters ng suspek base narin sa nakalap na sumbong ni Col. Ubac mula sa ilang kadete na lagi umanong nakikitaan ng drug paraphernalias ang suspek.
May nakapagpatunay din na kilala ang suspek na drug peddler sa kampo.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng mahigpit na imbestigasyon ang pamunuan ng PNPA at inaalam kung may mga kadeteng kliyente si Reyes. (Irine Gascon)