Advertisers
Sobra naman ata ang pangangalakal at pangngampanya ni Senador Joel Villanueva? Ginagamit ang A-Z sa media exposure nilang mag- ama. Bakit ‘di nya tuunan ang ‘di natapos na project ng CIBAC sa PNU? – Concerned citizen
‘Ulyanin’ na si Pres. Digong
May dementia na ata talaga si Digong at dapat na i-impeach at i-disbar. Malinaw ang Constitution na tayo ay Regime of Truth and Justice. Kaya ang pag-uutos nya sa PSG na huwag magsalita sa imbestigasyon ng Kongreso ay Betrayal of Public Trust and Culpable Violation of the Constitution. Krisis naman talaga ginawa nya na pabakunahan ang PSG at ilang Cabinet. – Concerned citizen
Hirap mag-renew ng Mayor’s Permit sa Pasay City
Report ko po ang sobra hirap mag-renew ng Mayor’s Permit diyo sa Pasay City BPLO. On line po ginawa po nila pero lagi naman po nagha-hang ang computer nila. Sana gawin nalang po mano2 katulad po ng dati, 2hrs po tapos. Dito sa online 2dys di pa po tapos. – Concerned citizen po
Reklamo vs Vestina Security Agency: ‘Di nagre-remit ng SSS contribution ng sekyu
Good morning. Concerned ko lang po itong Vestina Security Agency na may address Rm # 37 llanar Building 10th Avenue, Barangay Soccoro, Cubao, Quezon city. Ang sahod po ng mga security guard nila ginawang hulugan at saka yong mga loan amortisizing nila sa SSS at Pag Ibig na kinakaltas nila hindi nila nire-remit sa SSS at Pag Ibig. Kaya ang mga guard nila na gusto na mag-loan ay di makapag- loan kc walang hulog. Paki-kalampag nalang po itong agency na to para matoto sila sa kanilang obligasyon sa lahat ng empleyado nila. Salamat po. Dont publish my number!
(Editor: Kung sinuman ang may-ari nitong Vestina Security paki-ayos ang reklamong ito ng inyong sekyu bago pa kayo maireklamo at makasuhan ng SSS)