Advertisers
PATAY ang isang ama na nahaharap sa kasong panggagahasa sa kanyang anak nang “mang-agaw” ng baril sa isang police officer.
Sa report mula Talomo Police Station, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang rape suspect na si Marlo, residente ng Toril,Talomo City, nang mag-tamo ng mga tama sa katawan nang barilin ng mga tauhan ng police station.
Sa report, isasailalim sana sa online inquest proceedings ang suspekt, pero bigla umanong inagaw nito ang baril ng desk officer.
Kaagad namang dumipensa ang kasamahang mga pulis at binaril ang suspek.
Inaresto si Marlo nang ireklamo mismo ng kanyang sariling anak ng panggagahasa.