Advertisers

Advertisers

Motor tinumbok ng trak: Mag-asawa lumipad, misis patay

0 225

Advertisers

NASAWI ang isang misis na nakaangkas sa motorsiklo ng mister nang tumbukin sila sa likuran ng kasunod na trak habang bumabagtas sa kahabaan ng A. Soriano hi-way sa Barangay Timalan Balsahan, Naic, Cavite .
Kinilala ang biktima na si Evelyn Mata, 50, habang kasalukuyan namang inoobserbahan ang mister nitong si Edilberto Mata, 50, kapwa residente ng PH 3-A Ciudad Nuevo Subd., Brgy. Timalan Balsahan, Naic.
Nakakulong na ang driver ng trak na si Emmanuel Miranda, 46, residente ng #90 Majada out, Calamba, Laguna.
Sa ulat, 10:00 ng umaga nang maganap ang insidente. Sakay ang mag-asawa ng Suzuki Sky Drive at bumabagtas sa nasabing lugar nang tumbukin ito ng kasunod na Isuzu NHR Truck na may plate # WQQ 588.
Sa lakas ng pagkakatumbok ay kapwa tumilapon ang mag-asawa, dahilan upang mapuruhan ang misis. (Irine Gascon)