Advertisers

Advertisers

Mga nasa likod ng bentahan ng mga malalaswang larawan at video ng mga mag-aaral online, dapat panagutin – Sen. Go

0 299

Advertisers

“DAPAT imbestigahan ng mga otoridad ito.”

Ito ang tugon ni Senador Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga ulat na may mga estudyante ang nagbebenta ng kanilang malalaswang larawan at video para may pambayad sa kanilang matrikula.

Ayon kay Go, dapat na hulihin at mapanagot ang mga taong kasabwat sa ganitong uri ng gawain dahil maituturing itong cyber crime.



“I am calling on concerned agencies to provide necessary interventions to put a stop to this. Alarming ito lalo na’t ang kalaswaan na ito ay dulot rin ng kahirapan,” wika ni Go kung saan iginiit nito na “hindi rason ang kahirapan para ibenta ang kaluluwa.”

“Pwedeng makasuhan kung sino ‘yung kakuntsaba at pumapayag sa mga ganitong pagbebenta ng malalaswang mga larawan,” sabi ni Go sa isang panayam nang mamigay ng tulong sa mga market vendors sa Malaybalay City, Bukidnon kahapon.

Itinuturing din ng Senador na pagsasamantala ng mga masasamang loob sa mga kawawang estudyante ang nasabing gawain.

Pinayuhan ni Go ang mga mag-aaral na hindi dapat pumasok sa ganitong gawain kung gustong mag-aral dahil maaari namang lapitan ang gobyerno.

Bukas din aniya ang kanyag tanggapan para sa mga estudyanteng manghihingi ng tulong para makapag-aral



Kinumpirma rin ni Go na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang agad nitong ipapatawag sa anti-cybercrime authorities para sa malalimang imbestigasyon.

“Plano po ipatawag ng Pangulo ang mga cybercrime units and experts from concerned agencies para mapag-usapan kung paano maitigil ito at maproteksyunan ang ating kabataan,” saad ni Go.

Inihayag ng Pangulo na hindi dahilan ang kahirapan para ibenta ng mga estudyante ang kanilang kaluluwa habang patututukan niya ito sa Council for the Welfare of the Children dahil maituturing itong pagsasamantala sa mga kabataan.

“Tinatawag ko ang pansin ng CWC para alagaan ang kapakanan ng mga bata. Gabayan natin sila dahil hindi nila kailangan magbenta ng kaluluwa para lang sa pera. Nandito po ang gobyerno para tumulong sa inyo,” dagdag ni Go. (Mylene Alfonso)