Advertisers
MULI na naman maiipit sa crew change crisis ang mga Filipino Seafarers matapos na magpalabas ng utos ang Department of Transportation (DOTR) ng temporary crew change ban para sa mga barko na manggagaling sa dalawampu’t isang mga bansa na pinaniniwalaang nagkaroon ng bagong variant ng corona virus disease at para narin mapigilan itong makapasok sa ating bansa at nagsimula nuon pa umanong Disyembre 30, 2020 hanggang Enero 15, 2021 ang nabanggit na ban.
Ayon sa ipinalabas na mensahe ng Philippine Ports Authority o (PPA) ang mga bansang tinutukoy ay ang Australia, Canada, Denmark, France, Germany, Hong Kong, Iceland, Ireland, Israel, Japan, Lebanon, Netherlands, Singapore, South Africa, South Korea, Spain, Sweden, Switzerland, United Kingdom at ang United States of America.
Dagdag pa ng PPA na ang temporary crew change ban ay ipatutupad din umano sa mga terminal tulad ng Manila South Harbor, Port Capinpin sa Bataan, Port Sasa sa Davao at sa Port of Batangas.
Subalit niliwanag din sa mensahe na ang mga seafarer na dumating ng bansa galing ng mga nasa listahan at nakauwi ng Pilipinas, bago ang 14 days at nakarating bago pa sumapit ang oras na 001H ng December 30, 2020 ay hindi kasama sa ipinapatupad na restriction sa pagpasok sa bansa subalit kailangan sumailalim sa istriktong quarantine at testing protocols.
Sinabi rin ng PPA na ang mga seafarer na mangagaling sa mga nabanggit na bansa ay papayagan lamang na magsagawa ng disembarkation sa Port of Manila at ihahatid ng kani-kanilang mga shipping agent’s sa mga designated quarantine facilities at isasakay sa mga P2P Buses at isa-sailalim ng istriktong monitoring ng Philippine Coast Guard.
Posibleng magtagal ang nasabing ban depende umano sa polisiyang ipapatupad ng Office of the President, base sa ipinalabas na memorandum. (Jose Koi Laura)