Advertisers

Advertisers

Ano na kaya magiging kaganapan sa Pista ng Quiapo 2021…

0 240

Advertisers

Maraming kababayan natin ang nag-tatanong kung ano na kaya ang magiging kaganapan sa Pista ng Quiapo 2021 na alam naman natin dinu-dumog ng milyon na mga deboto na galing pa sa iba’t-ibang dako ng ating bansa.

Bagama’t maraming pina-pagbawal at pina-pasunod ang ating gobyerno hinggil sa banta ng covid19 ay hindi pa rin natin masi-siguro na ang lahat ng ipina-patupad ay magaganap.

Una ng sinabi ng Inter Agency Task Force (IATF) gayundin ang simbahan na walang magaganap na traslacion, prusisyon, pahalik sa Itim na Nasareno at ano pa man bagay hinggil dito.



Maliban sa pagpa-padungaw ng Itim na Nasareno sa mga asoteya ng simbahan ng Quiapo, San Sebastian at Sta. Cruz ay wala ng iba pang bagay na prenepara ang simbahan.

Ang padungaw na ito ng Nasareno ay para nga naman sa mga deboto na gustong iwagayway ang kanilang mga panyo upang ipa-kita ang kanilang pag-pupugay at respeto sa imahen.

Hanggang doon na lamang ang lahat ng limitasyon ng mga deboto upang istriktong mai-patupad ng ating gobyerno ang mga health protocol hinggil sa banta ng pandemya.

Sana naman ay walang maging makulit at ma-kontento na lamang ang lahat sa pina-patupad na alituntunin ng gobyerno at ng simbahan.

Meron kasing pag-kakataon na hindi nasisiyahan ang mga die-hard na deboto sa ganon-ganon lang.Hindi sila nasisiyahan hanggat hindi nila nasisilayan o nahahagkan ang mahal na imahen.



Kung sa bagay ay dala na ito ng kanilang pananalig at pananampalataya kung kaya’t kahit harangan man sila ng kanyon ay pilit pa rin gagawin ang nais nila.

Iyan na nga ang dahilan kung bakit sila tinawag na mga deboto. Hindi sila pwedeng pigilan sa kanilang hangad na mahipo man lang ang imahen na pinag-kukunan nila ng lakas at tibay ng loob.

Wala sa kanila ang banta ng maski na anong karamdaman o pandemya maging ito man ay delikado sa kanilang kalusugan at buhay, basta’t sila ay nananampalataya.

Kung ang pagba-basehan ay ang karapatan, maaaring may punto rin sila maski na papaano nguni’t iba pa rin ang pina-pasunod ng ating gobyerno pagka’t ito ay para sa kapakanan ng lahat.

Harinawa’y hindi umabot sa ganitong situwasyon ang lahat at nawa’y hindi maging makulit ang ating mga kababayan, maging disiplinado dahil hindi lang ito ang pagkakataon upang ihayag nila ang kanilang pananampalataya at pagiging deboto ng Itim na Nasareno.

Pag-ingatan din natin ang banta ng mga taong sobra na ang saya at nagpa-padala na sa inpluwensiya ng alak at iba pang magpa-pawala ng kanilang katinuan at kanilang malay, goodbye malay ika nga, iwasan sana natin ito ha…