Advertisers

Advertisers

2 opisyal ng Guardians- Kuwait Chapter, puro katarantaduhan ang lakad!

0 581

Advertisers

Bukod pala sa pamemeke ng mga importanteng dokumento sa bansang Kuwait, sangkot din umano sa bentahan ng droga itong sina Mohammad Batungbakal alyas JIMBOY at Arsenio Petalan alyas ARCI, dalawang Pinoy na dumayo pa sa nasabing bansa para maghasik ng katarantaduhan at ka-demonyohan.

Ito ang sumbong sa inyong lingkod ng mga kababayan nating OFWs na nababahala na sa mga ginagawang kalokohan ng mga ito na ang mga pangunahing target na biktimahin ay ang mga kaawa-awa nating kababayan sa Kuwait na kumakayod ng parehas.

Nagpapakilala umanong opisyal ng Guardians Kuwait Chapter sina JIMBOY at ARCI at nasa kainitan umano ngayon ng pagre-recruit sa mga Pinoy OFWs natin na gustong maging miyembro ng Guardians.



Nasa Fahaheel nakatarima ang dalawang ulol na sina JIMBOY at ARCI at sa Al Soor naman ang bagsakan ng droga ng dalawang hindot na kupal.

Bukod sa droga, kontrolado din ng sindikato ni JIMBOY at ARCI ang pamemeke ng mga vital documents gaya ng pasaporte,visa at kung anu-ano pa.

Umaabot mula 200 hanggang 600 KD o Kuwaiti Dinar ang sinisingil ng sindikatong ito na ang front ay ang legal na organisasyon ng GUARDIANS dito sa Pilipinas.

Isang alyas JOJO naman umano ang kasapakat ng grupo ni JIMBOY at ARCI na umano’y konektado sa Kuwaiti Labor Ministry.

May ilan din umanong korap at dorobong opisyales at empleyado ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang kasama sa sindikatong ito.



Ang grupo rin umano ni JIMBOY at ARCI ang nagtuturo at nagngunguso sa mga Pinoy overstatying OFWs sa Kawaiti authorities.

Mistulang mga Makapili noong panahon ng Hapon ang opisyo nitong sina Batungbakal at Petalan na gumigisa sa sariling mantika ng mga kahabag-habag nating kababayan sa nasabing banyagang lupain.

Sisikapin nating makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs, DOLE at OWWA patungkol sa sindikatong ito sa layong mapa-deport ang mga mistulang salot na sina BATUNGBAKAL at PETALAN!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com