Advertisers

Advertisers

PBA players na sasabak sa FIBA Asia cup kumpleto na

0 196

Advertisers

ISINUMITE na ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang mga pangalan ng PBA players na sasabak sa 3rd at final window ng FIBA Asia cup qualifiers sa buwan ng Pebrero sa Clark, Pampanga.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na nasa 18 mga pangalan ang nasa wish list ng SBP.
Tumanggi na rin itong banggitin ang mga pangalan na napipisil nilang sumali sa nasabing torneo.
Nauna ng binanggit nito ang mga manlalaro na sina Bobby Ray Parks, RR Pogoy, Troy Rosario at Poy Erram ng TNT, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Matthew Wright ng Phoenix Super LPG.
Ang nasabing mga manlalaro ay kabilang aniya sa 15-18 mga PBA players na target na mapabilang sa 29-man pool na magsasanay sa bubble set-up bago ang February qualifiers.