Advertisers

Advertisers

Newbie na si Juan Ponce, tampok sa pelikulang ‘Horrorscope’

0 341

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

DESIDIDONG gumawa ng sarili niyang tatak sa mundo ng showbiz ang newbie actor na si Juan Ponce.

Si JP (tawag kay Juan Ponce) ay 22 years old, tubong Catanduanes at graduate ng BSBA Marketing sa Catanduanes State University. Siya ay alaga ng fashion designer na si Edwin Rosas Visda.



Model at nakilala ng kanyang manager sa isang photo shoot si JP.

Sa ngayon ay sumasabak si JP sa acting workshop para sa kanyang debut movie.

Esplika ni JP, “Mayroon po kaming i-launch na movie, K5 digital media at si Mamang (Edwin) po ang co-producer. Ako po yung lead sa movie, horror po siya, at ang title ay Horrorscope.

“Nag-shoot na po kami, pero may inaayos lang po na papers para mag-resume. Last December po kami nag-start ng shoot, mga new faces po ang kasama namin sa movie.”

Dagdag pa niya, “May endorsement po ako ng Keto ice cream, then isa po ako sa face ng upcoming Philippines Next Runway Model 2021.”



Kumusta ang kanyang first acting experience?

Tugon ni JP, “Noong una, medyo na-culture shock ako, pero naging okay na rin siya nang nakapag-acting workshop na ako. Sobrang enjoy na nakakapagod, pero sulit po siya.

“Nakakakaba siya, kasi mga kilalang director ang mga kasama po namin.”

Nabanggit din ni JP ang idol niyang artista at gustong sundan ang yapak.

Pahayag niya, “Gusto kong maging kasing galing ni John Lloyd Cruz. Kasi, kahit saang larangan ay kaya niya at magaling siya.”

Anong klase ng project ang gusto niyang gawin?

“Sa project po, kahit saan naman po sa akin ay okay lang, as long as part ng career. Gusto ko rin po kasing makita ang sarili ko sa billboards, ultimate dream ko kasi iyon,” nakangiting lahad pa ni JP.

Game ba siya sa BL series at handang magpa-sexy?

Aniya, “Game po ako sa BL, since opportunity siya at trabaho lang.

“Sa pa-sexy po, I’ll try po kasi nag-work out naman po ako. Pero hindi katulad ng iba, kasi fit and lean lang ang gusto ko.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

Pakli ni JP, “Iyong maging maayos ang landas na tatahakin ko sa showbiz, para makabawi rin sa mga gastos na nasimulan, at fulfillment din po kasi siya sa part ko.”