Advertisers

Advertisers

LGUs bawal direktang bumili ng Covid vaccine, PSG puede

0 211

Advertisers

BAWAL pala sa Local Government Units (LGUs) ang direktang bumili ng Covid vaccines.

National government lang pala ang may karapatan mag-procure ng bakuna kontra coronavirus disease, sabi ng Department of Health (DoH).

Hmmm… may naaamoy tayong hindi maganda rito, mga pare’t mare. Mukhang may gustong mangumisyon sa procurement ng covid vaccines…



Anyway, ang tanong: Kailan pa bibili ng Covid vaccine ang national government? Sampung buwan nang under quarantine ang Pilipinas. Araw-araw ay marami ang namamatay at nahahawaan ng China virus.

Ang pramis ni Pangulong Rody Duterte na bakuna nung early December 2019 ay fake news! Wala palang pondo ang gobyerno para makapang-angkat ng bakuna. Mangungutang palang daw sa World Bank. Anak ng teteng!!!

Kaya gusto ng mayayamang LGUs na makabili na ng vaccine at mabukanahan ang kanilang mamamayan para makapamuhay na ng normal, makabalik na lahat ng negosyo sa lungsod ng walang takot sa China virus.

Kung pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mabakunahan ng kolorum na covid vaccine ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at ilang Gabinete, bakit ang direktang pag-procure ng LGUs ng vaccine sa mga bansang may available nang bakuna ay hindi? Dahil ba hindi sila kikita rito? Just asking!!!

Again… kinakalampag natin ang DoH: Kung concerned kayo sa buhay ng bawat Pinoy, ora mismo ay bumili na kayo ng vaccine. Kung wala naman kayong pondo, hayaan nyo na ang mga LGU na dumiskarte ng vaccine para sa kanilang mamamayan. Period!



***

HINDI na itutuloy ng Armed Forces of the Philippines ang pag-iimbestiga sa nangyaring illegal vaccination sa PSG personnel, ayon narin sa utos ng kanilang Commander in Chief, Pres. Duterte.

Ang utos ni Duterte ay ginawa niya sa kanyang lingguhang public address Lunes ng gabi, kungsaan nagbanta pa siya sa Kongreso kapag nagsagawa ng pagdinig sa pagturok ng bakuna sa PSG.

“Do not tinker with the PSG. I’m telling you as a president, it’s a matter of self-preservation. Do not force my hand to meddle into this matter. Ginawa nila ito para sa kapakanan ng buhay nila.

So if they will be called to testify in Congress, as a lawyer, I will just ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination.

Ako, I am prepared. I am prepared to defend my soldiers. I will not allow them, for all of their good intentions, to be brutalized in hearings. Please do not cite them in contempt by detaining them. I will not allow it. Pupunta ako sa Congress, kukunin ko sila.”

Kung ang mga rason na ito ni Duterte ay kapuri-puri sa IATF, DoH at DILG, bakit hindi puede sa LGUs na direktang makabili ng Covid vaccines para mabakunahan na ang kanilang mamamayan?

Matter of life and death din ang mabakunahan na ang mga ordinaryong mamamayan, ang masang nagbigay ng kapangyarihan sa pangulo, sa mga senador, mga kongresista at mga mayor. Mismo!

Ang problema kasi sa gobyernong Duterte ay ginagawang tama ang mali, binubutasan ang batas, ginagawang tanga ang mga naghalal sa kanila. Ewan!